PAGPAPALIWANAG SA MGA AKTIBONG SANGKAP 

Sa maraming taon ng karanasan sa industriya ng pagpapaganda, alam ng aming koponan kung ano ang talagang gumagana, at kung ano ang hindi. Dahil rito, tuklasin natin ang mga aktibong sangkap na wala sa iyong pang-araw-araw na gawain sa iyong balat na maaaring gumawa ng pagkakaiba.

Ang paggamit ng likas na mga katangian ng mga cannabinoids na dalubhasang kinuha ng at mga katas ng halaman - nasubok ng mga vegan at mga laboratoryo – napili namin ang ilang bilang ng mga katas umaangkop sa buhay ng mga totoong tao na may natural na pangangailangan. At kapag kumukuha ng CBD, mahalaga na nakikipagtulungan sa pinakamahusay na langis, natural na mga katas ng halaman, bitamina at mineral upang bigyan ng lakas ang iyong balat at kaluluwa. Ngunit ang pinakamahalaga, panatilihin ka naming ilapit sa kalikasan sa abot ng aming makakaya.

Naturecan

GLOSARYO NG MGA SANGKAP 

Narito ang isang mabilis na listahan ng mga pangunahing sangkap na matatagpuan sa aming produkto na Naturecan Beauty, upang matuklasan mo kung ano ang gumagana para sa iyo at sa iyong balat.

ALOE VERA

Ito ay may likas katangian na magpapresko1, ang katas ng halaman na ito ay napatunayan na natural na nagpapagaling sa namamaga, tuyo, o namumulang balat - perpekto ito bilang pangkontra sa pang-araw-araw na mga pangangati o sa mga balat madaling mapinsala.

LANGIS NG ABOKADO 

Ito ay napakayaman sa oleic acid at mga tab ana monounsaturated, ang langis na ito ay isa sa iilan na maaaring tumagos sa mga follicle upang ma-moisturise at palakasin ang iyong buhok at balat, na nag-iiwan ng pakiramdam na likas o puno ng nutrisyon.

COCOA BUTTER

Kumikilos bilang isang likas na harang, ang moisturizing butter na ito ay nagbibigay ng dagdag na layer sa iyong balat bilang proteksyon pang-araw-araw, ang katas ng halaman na ito ay nagbibigay din ng napatunayang mga benepisyo sa kalusugan sa pamamagitan ng mga katangiang nagbibigay presko sa balat2 - mainam ito para sa tuyo at sensitibong balat.

COCONUT OILLANGIS NG NIYOG 

Taglay ang mga natatanging kombinasyon ng mga fatty acid, ang sikat na langis na ito ay tumutulong sa iyong balat na panatilihin ang natural na tubig nito, at pinoprotektahan ito mula sa pang-araw-araw na pagkatuyo sanhi ng panahon at iba pang mga iritasyon.3

BERDENG LUWAD 

Ito ay perpektong karagdagan sa iyong regular na rehimen sa balat, ang natural na luwad na ito ay nagtanggal ng mga dumi mula sa balat, at dahil mayaman ito sa mahahalagang bitamina at mga element, ito ay tumutulong na pasiglahin ang iyong balat upang ibalik ang ningning sa iyong mukha.4

HEMP SEED OIL

Ang makapangyarihang katas ay hindi lamang pinoprotektahan ang balat mula sa pang-araw-araw na dumi at polusyon, makakatulong din itong makuha ang labis na langis upang maibalik ang natural na balanse ng iyong balat.5 Bagamat nagmula sa halaman ng cannabis, ito ay walang THC.

HYALURONIC ACID

Mayaman ito sa mga antioxidant na dahilan ng mga pinong linya at mga kulubot sa mula, maaaring nakakatakot ang tunog ng HA ngunit ito ay natural na ginagawa sa ating katawan.6 Tila isa itong magnet para sa manatili ang tubig sa balat, taglay nito ang mga epekto sa hindi pagtanda (anti-Aging effects) na iyong hinahanap. .

SHEA BUTTER

Bigyan ang iyong balat ng nutrisyon na kinakailangan nito mula sa makrema at magatas na butter na ito, nagbibigay ito ng mahusay na hydration para sa anumang bahagi ng katawan. Anuman ang uri ng iyong balat, ang natural na katas na ito ay isang subok na paraan upang magkaroon ng kakaibang kinang ng balat.

SQUALANE

Ito ay isang saturated na hydrocarbon na natural na matatagpuan sa balat, ito ay isang pambihirang hydrator na nakabatay sa halaman na nagtataguyod ng malambot at makinis na balat.7 Tulad ng collagen, ang antas ng lipid na ito nababawasan sa ating pagtanda, kung kaya kinakailangan na regular na makukuha nito.

MGA TOCOPHEROL

Ang mga organikong compound na ito ay sagana sa bitamina E. Kilala sa mga katangian na antioxidant at nakaktulong sa mga kondisyon ng balat, ang mahalagang bitamina na ito ay nagbibigay ng mahalagang proteksyon sa UV.8

Sanggunian:

1) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5796020

2) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5796020/

3) https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15724344/

4) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2904249

5) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6110517/

6) https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30287361/

7) https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23449131/

8) https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11684391/