ANO ANG PAGKAKAIBA NG CBD ISOLATE AT CBD DISTILLATE?

Nalilito ka ba sa kumplikadong listahan ng mga sangkap sa isang tila napakasimpleng produkto? Kami din. Sa kabutihang palad, maraming mga filler, preserbatibo, artipisyal na kulay na ginagamit sa sa marami sa ating mga sa pagkain ay hindi mahahanap sa anumang de kalidad na langis ng CBD sa merkado.

Gayunpaman, maraming mga salita at parirala na nakakabit sa iba't ibang mga produktong CBD na nag-iiwan sa atin na hindi maging sigurado sa kung aling mga langis ang pinakaangkop sa ating mga pangangailangan. At dahil ang mga de-kalidad na sangkap ay karaniwang nagdidikta ng mga positibong benepisyo sa kalusugan, ang pinakamahalagang mga katanungan na nangangailangan ng isang sagot dito ay: ano ang CBD isolate at CBD distillate? Ano ang pagkakaiba ng mga ito at gaano ito mahalaga?


CBD ISOLATE

Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ang isang CBD isolate ay isang nakahiwalay na porma ng cannabinol (CBD). Bago ito ihiwalay, ang CBD ay isa sa maraming iba pang mga aktibong sangkap sa langis ng cannabis. Upang magawa ang isang sangkap na isang isolate, ang lahat ng natural na mga compound ng halaman - maliban sa CBD - ay lubusang tinatanggal, at naiiwan ang CBD bilang isang purong mala-kristal o pulbos, at ito walang anumang natatanging amoy o panlasa.

Depende sa kasidhian at uri ng proseso ng pagkuha, ang kalidad ng mga isolate ng cannabinol ay higit sa 99% na dalisay, na kapag inihalo sa langis ng hemp o iba pang mga alternatibong nakabatay sa langis para inumin o pinapahid. Ito ay isang pakinabang ng paghihiwalay ng CBD - nag-aalok ito ng isang hindi mapantayan na kadalisayan at napapanatili ng lakas nito kahit na idagdag sa iba pang mga sangkap (cookies, krema at pa), at kasama nito ang pagtanggal ng anumang lasa na nauugnay sa cannabis. Dahil ditto ang CBD isolate ay perpekto para sa paggamit pinapahid at mga edibles para sa mga taong mas gusto ng mas nakakaakit o nakakahalinang lasa.

Gayunpaman, mayroong hindi bababa sa 100 kilalang mga cannabinoid sa halaman na cannabis, at isang mayroon 300 o higit pa na mga hindi cannabinoid na compound, kabilang na ang mga terpene at mga flavonoid.

Habang isinasaalang-alang ang komplikado at masalimuot na ugnayan ng maraming mga compound sa loob ng anumang halaman, ang mga mananaliksik ay lalong naging interesado sa ugnayan ng isang cannabinoid sa isa pang cannabinoid. Naturally, ang isang halo ng mga natatanging cannabinoids na sumali sa mga cannabinoid receptor sa parehong katawan at utak ay makakaapekto sa atin nang iba kung ihahambing sa mga nakahiwalay na anyo ng anumang isang kemikal. At iyon ang dahilan kung bakit ang CBD distillate ay nakakaakit ng labis na interes.

decorations


CBD DISTILLATE

Ang CBD distillate ay isang konsentrasyon na mayaman sa CBD na dumaan sa isang proseso ng paglilinis upang alisin ang THC, habang sinisikap upang mapanatili ang mas marami - o kakaunting- mga cannabinoid at terpene sa concentrate hangga't maaari. Ang distilasyon ay ang paglilinis ng isang likido sa pamamagitan ng isang proseso ng pag-init at / o paglamig, isang proseso na maaaring maingat na manipulahin upang lumikha ng perpektong timpla ng mga piniling compound para sa nais na epekto.

Habang ang paglilinis ay maaaring epektibo na magamit upang madagdagn at mabawasan ang mga cannabinoid, maaaring may mga bakas ng THC na naroroon. Gayunpaman, ang parehong paghihiwalay at paglilinis ng CBD ay naglalaman ng mga maliliit na dami THC, kaya't hindi ka 'magiging high. Sa katunayan, ang CBD distillate ay maaaring at legal na magkaroon ng higit sa 0.03% na THC, ang daming ito ay hindi pa sapat para mangyari ang mga epektong psychoactive.1

Tulad ng nalalaman na, ang CBD ay isang hindi psychoactive na cannabinoid, at hindi tulad ng THC, ay maaaring mapakinabangan natin nang hindi nagiging 'high’, kaya ito ay nagiging isang kaakit-akit na suplemento para sa mga kailangang manatiling nakapokus sa buong araw. Gayunpaman, mahalagang maghanap ka ng isang brand na nagbabahagi sa iyo ng mga pagsusuri sa laboratoryo nang malinaw at walang pag-aalinlangan. Maraming mga mas mababang mga brand ng CBD ang nagsasabi na ang kanilang mga resulta sa lab ay kanilang "pagmamay-ari" at hindi maibabahagi sa publiko, madalas na isa itong pag-iwas upang maitago ang katotohanang mayroon silang hindi sapat ang pagsusuri rito, isang pagsusuri na nagsisiwalat ng mas mababang kalida, o sa lkatunayan ay walang kahit anong pagsusuri.

Ang ilang kilalang mga cannabinoid na matatagpuan sa hemp at marijuana ay ang THC, CBD, CBG, at CBC. At habang ang karamihan sa mga cannabinoid ay walang potensyal na gawin kang 'high, malinaw na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga nabanggit na kemikal ay may epekto sa atin. Ang paghahalo ng iba't ibang mga cannabinoid kapag ginamit nang sama-sama ay pinag-aralan upang mapahusay ang kanilang mga indibidwal na katangian kapag umugnay ito sa ating endocannabinoid system sa isang proseso na kilala bilang 'entourage effect'.

Inilalarawan ng 'entourage effect' ang sama-samang relasyon na natural na mayroon ang mga cannabinoids sa bawat isa. Parami nang parami ang mga pag-aaral na sumisiyasat sa ugnayan ng phytocannabinoidat terpenoid, na nagreresulta sa pagkakaisa tungkol sa suporta ng maraming mga proseso ng katawan.2 Tuklasin nang eksakto kung paano ang mga nakikipag-ugnayan ang ennocannoid system CBD dito.

Mula sa pamamahala ng stress at pagsuporta sa damdamin at kalusugan hanggang sa kalidad ng aming pagtulog, nasuri ang CBD sa maraming mga pag-aaral tungkol paggamit nito bilang pagtugon sa maraming mga alalahanin sa kalusugan sa modernong mundo. Sa katunayan, ipinapaliwanag ng isang pag-aaral kung paano pinahuhusay ng cannabidiol ang endogenous signaling ng adenosine, isang tugon sa stress na kritikal para sa mga malulusog na tisyu.3 Kung gayon, hindi nakakagulat, na ang ilan sa mga pinakamatagumpay na tao sa palakasan ay gumagamit ng CBD upang suportahan ang kanilang mga gawain sa pagpapagaling.

decorations

PAGHUSAYIN IYONG MGA BENEPISYO SA CBD

Sa madaling salita, kapwa ang CBD isolate at CBD distillate ay pinoproseso upang magkaroon ng kakaunting dami ng THC. Ang kaibahan ay ang CBD isolate ay hindi bababa sa 99% CBD at may mga bakas lamang na dami ng iba pang mga sangkap (na nagreresulta sa isang pambihirang limitasyon ng mga biyolohikal na benepisyo), habang ang distillate ng CBD ay may average na 50-70% CBD, kasama ang 30-50% na natural na mga cannabinoid compound na gumagana nang magkakasama upang magbigay ng isang mas malawak na mga benepisyo sa kalusugan.

Malinaw na dapat mapagkakaiba ang dalawang anyo kung paano ito kinuha. Kung aanihin natin ang buong saklaw ng mga benepisyo ng CBD, mainam na gumamit ng isang distillate na malawak ang spectrum, na makikipag-ugnayan sa ating katawan kasabay ng iba pang mga natural na mga compound, tulad sa kung ano ang natural.

Sanggunian:

1) https://www.fda.gov/news-events/public-health-focus/fda-regulation-cannabis-and-cannabis-derived-products-including-cannabidiol-cbd

2) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3165946/

3) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/16672367