MATUTULUNGAN BA AKO NGCBD NA MAKATULOG?
Mula sa pagtatrabaho ng 9-5 at mahalagang oras ng pamilya hanggang sa pakikihalubilo at panatilihing malusog, tayong lahat ay may abalang pamumuhay. Sa mga tao sa buong mundo ay ipinipilit ang kanilang mga sarili na gumawa ng labis na trabaho, paglalaro, at iba pang mga bahagi ng kanilang abalang iskedyul sa iisang araw, kaya ang pagtulog ang nalilimutan.
Ang tao ay nangangailangan ng hindi bababa sa 8 oras na mahusay na kalidad na pagtulog upang maayos na gumana, at walang duda na lahat tayong nagdurusa nang hindi bilang resulta ng hindi magandang ugali sa pagtulog. At sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamahuhusay na hangarin na paglalaan ng oras para sa wastong pagtulog, maaaring matagal naman bago tayo makatulog, habang ang iba sa atin ay gising sa buong gabi.
Ang pag-aalala, pagkabalisa at stress ay isa sa pangunahing mga sanhi para sa putol putol na pagtulog, anong suporta ang maiaalok ng CBD na makuha hindi lamang ang oras ng pagtulog na kailangan natin, ngunit pati ang tahimik at mahimbing na pagtulog na nagbibigay-daan sa ating katawan na umayos, guminhawa, at maging handa para sa susunod na araw?
ANG ENDOCANNABINOID SYSTEM
Upang sagutin ito, kailangan muna nating maunawaan kung ano ang endocannabinoid system, at kung paano ito gumagana sa loob ng ating katawan.
Ang endocannabinoid system ay matatagpuan sa lahat ng mga tao at mammal, at tumutulong ito sa pagkontrol ang isang malawak na hanay ng mga prosesong sikolohikal at pisyolohikal. Bagamat sobra itong komplikado, napatunayan ng mga siyentipiko ang mga prosesong kasama rito ay ang damdamin, gana sa pagkain, at pagtulog. Dahil ito, ang endocannabinoid system ay mahalaga sa homeostasis – ang pagpapanatili ng mga proseso ng katawan na balanse at gumagana nang maayos.
Sa loob ng endocannabinoid system ay isang network ng mga cannabinoid receptor sa utak at central nervous system. Ang dalawang pangunahing receptor na kinikilala bilang CB1 at CB2, at kumakabit ito sa mga endocannabinoid na gawa mismo ng katawan upang maibalik ang balanse sa katawan. Ang mga phytocannabinoid (mga cannabinoid na nagmula sa halaman ng cannabis) tulad ng CBD at THC, ay natural din na kumakabit sa mga selula na ito sa katulad na paraan at may iba't ibang mga epekto.
Hanggang sa paano ang mga ito nakakaapekto sa pagtulog, iminumungkahi ng ilang pananaliksik na ang cannabinoid CBD ay umugnay sa mga tukoy na receptor at maaaring positibong nakakaapekto sa siklo ng pagtulog / paggising.
CBD AT PAGTULOG
Sa isang pag-aaral na inilathala sa Permanente Journal noong 2019, 72 matanda na may pagkabalisa at hirap sa pagtulog ginawan ng pagtatasa tungkol sa pagkabalisa at pagtulog sa pagsisimula ng pag-aaral at makalipas ang isang buwan bilang kasunod na sesyon. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay binigyan ng 25mg ng CBD na naka-kapsula. Ang mga kalahok na mayroong mga problema sa pagtulog ay kumuha ang dosis sa gabi. Ang mga kalahok na may pagkabalisa bilang pangunahing reklamo ay kinuha ang CBD sa umaga. (1)
Matapos ang unang buwan, ang mga marka ng pagkabalisa ay nabawasan sa 79 porsyento ng mga kalahok. Ang mga marka ng pagtulog ay napabuti sa 66 porsyento ng mga kalahok, na nagpapakita ng mas kaunting problema sa pagtulog. Nagtatampok ito ng isang malaking pagbuti, at isang kahanga-hangang pag-aaral na tiyak na nakakahikayat sa mga indibidwal na nais na makita kung ang regular na paggamit ng CBD ay makatulong para sa kanila.
Bagaman maraming pag-aaral ang kailangang gawin, sinusuportahan din ilang karagdagang pananaliksik ang teorya na maaaring mabuti ng CBD sa pagtulog. Ang isang pag-aaral na inilathala sa journal Medicines ay may 490 na kalahok na may insomnia. Kinolekta ang data mula Hunyo 2016 hanggang Mayo 2018. Minarkahan ng mga kalahok ang kanilang mga sintomas ng insomnia sa sukat na 1 hanggang 10, at ang 10 ang pinakamatindi. Sa simula ang mga sintomas ay may marka na 6.6 bilang average.2 Ang mga kalahok binigyan ng gamot gamit ang bulaklak na cannabis na may iba't ibang mga pamamaraan ng paghithit tulad ng pag-vape, tubo, o joint. Ang lakas ng CBD ay nasa average na 5.7 porsyento at limitado sa 30 porsyento. Pagkatapos ng paggamit ng cannabinoid, ang mga kalahok ay nagmarka ng mga sintomas sa average na 2.2, ito ay bumaba ng 4.5. Ang mga resulta ito ay muling sumusuporta sa teorya na ang mga cannabinoids, at ang pinakamahalaga ang CBD, ay nakatulong na bawasan ang mga sintomas ng hirap sa pagtulog at insomnia.
Ang koneksyon para sa CBD at pagpapabuti ng pagtulog ay patuloy na tumataas, at may mga indibidwal sa buong mundo, kabilang ang mga atleta sa palakasan at kilalang tao, ay sinasabi na ang kanilang natagpuan na rehimen para makatulog ay mula sa CBD na natural na natatagpuan sa hemp oil. Habang dumarami ngayon ang mga pananaliksik at pag-aaral, ang mga tao ngayon ay may mas mataas na katibayan na kailangan nila upang subukan ang alternatibong ito para sa kanilang sarili.
PAGPAWI NG MGA PANANAKIT
Ang pagkabalisa at paputol-putol na pagtulog ay hindi lamang ang dahilan kung bakit marami sa atin ang nagpupumilit na makuha ang ating pinakamahalagang oras ng tulog bawat gabi. Ang mga nagdurusa sa paulit-ulit na sakit, maging mula sa mga kondisyong medikal o iba't ibang mga pinsala, ay mayroon ding problema sa pagtulog, sa kabila ng paglaan nila ng oras na kinakailangan upang mapahinga ang kanilang katawan at ang mga proseso nito.
Bilang tugon rito, iminungkahi ng ilang mga komentarista na ang CBD ay talagang makakatulong kapag ang hirap sa pagtulog ay sanhi ng panlabas na mga kadahilanan kabilang ang mga sakit sa katawan o ang pansamantalang pamamaga kasunod sa mabibigat na pagsasanay o mabibigat na aktibidad. Sinuportahan ito ng karanasan ni Dominic Day, isang Saracens at dating internasyonal na manlalaro ng rugby na taga-Wales, na nagsimulang kumuha ng CBD para sa isang pinsala sa tuhod na nangyari 2018. "Nakita ko ang isang online na artikulo ang tungkol sa kung paano nakakatulong ang CBD sa sakit, at naisip kong subukan ito," sabi niya. "Sa loob ng ilang araw, napansin ko na mas nakakatulog ako. Nagising ako na maginhawa at ang aking paggaling pagkatapos ng pagsasanay ay tila mas mabilis." (4)
Ang mga manlalaro rugby ay tiyak na nakakaalam kaysa sa karamihan kung sakit ang pag-uusapan, at ang subok nang rebyu na ito ay isa pang malakas na patunay na ang CBD ay maaaring maging napakaepektibo para sa pagsuporta sa natural na proseso ng paggaling ng iyong katawan, lalo na ang mas mabuting pagtulog.
NAKASALALAY NA SA IYO ANG LAHAR
Ang kakulangan sa pagtulog ay hindi lamang dahilan kung bakit ka nagiging masungit, maaari talaga itong maging dahilan ng mahinang kalusugan kung hindi na tayo gaanong aktibo at tumatanda na. Ang CBD ay nag-aalok ng isang potensyal na paraan para sa mahimbing na pagtulog sa taon 2020 at higit pa, hindi ba panahon na rin upang malaman mo kung makakatulong ito sa iyong sariling pagtulog?
May iba't ibang mga langis na naglalaman ng natural na CBD, tiyak na may isang produkto at lakas na maaaring eksakto sa iyong mga pangangailangan upang makuha ang mga mahahalagang oras ng tahimik at walang gambala na pagtulog.
Sanggunian:
1) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6326553/
2) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6164964/
3) https://www.telegraph.co.uk/health-fitness/mind/can-cbd-oil-give-better-nights-sleep/
4) https://www.sleepassociation.org/sleep-treatments/cbd/
5) https://www.healthline.com/health/cbd-for-insomnia
6) https://www.tuck.com/what-is-the-endocannabinoid-system/
7) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/30624194