CBD AT EHERSISYO 

Sa nakararami sa atin, ang pagpapanatili na maging malusog at malakas ay isang malaking bahagi ng ating buhay. At kasama nito ang inaasahang mga sakit sa katawan sa susunod na araw. Ito ay isang likas na tugon ng katawan sa pagbawi at pagbuti ng kondisyon ngunit maaari din ito na isang babala ng pinsala. Ang susi ay pag-unawa nito ay kung paano mapanatili ang balanse at panatilihin ang iyong katawan na maging mahusay. 

ANO ANG PAMAMAGA? 

Ang pamamaga ay isang natural na proseso sa loob ng katawan na gumagamit ng mga puting selula ng dugo at iba pang mga sangkap upang maikabit ang sarili sa anumang pinsala, karaniwang sanhi ng mga pagkakabangga, hiwa o gasgas, upang maayos ito.1 Dahil sa pamamaga ang mga daluyan ng dugo ay nagbubukas nang sapat upang maabot ng dugo ang mga apektadong lugar, upang mabuo ang dugo para pagalingin ang nasirang tisyu, pati na rin na maramdaman ang sakit bilang bahagi ng proseso ng pagpapagaling. Ang mga kemikal na kilala bilang cytokines ay inilalabas din ng nasirang tisyu. Ang mga cytokine ay kumikilos bilang "emergency signal" na nagdadala ng mga immune cell sa iyong katawan, mga hormone at nutrisyon upang makatulong na ayusin ang anumang mga kaugnay na mga problema.2

Gayunpaman, kung ang isang indibidwal ay aktibo mag-ehersisyo, tulad ng pagbubuhat ng mabibigat, matagal na pagtakbo, isang nakakapagod na pagsakay sa bisikleta, at anumang palakasan o aktibidad na katulad, ang pamamaga na ito ay sanhi ng maliliit, microscopic na punit sa mga hibla ng iyong kalamnan. Ang iyong katawan ay tumutugon sa pinsala na ito sa pamamagitan ng paglala ng pamamaga, na maaaring humantong sa kinakatakutan (ngunit kapaki-pakinabang rin) na DOMS.3

ANO ANG DOMS? 

Ang Delayed Onset Muscle Soreness (DOMS) ay ang sakit sa kalamnan na nararamdaman natin sa araw (at kung minsan maraming araw) pagkatapos ng anumang uri ng matinding ehersisyo. Hindi ito ang sakit na nararamdaman mo habang o pagkatapos ng pag-eehersisyo - iyon ay simpleng matinding sakit ng kalamnan dahil sa pagbuo ng lactic acid, at mabilis itong mawala, ilang sandali matapos ang page-ehersisyo. Ang mga sintomas ng DOMS ay karaniwang nangyayari nang hindi bababa sa 12 hanggang 24 na oras pagkatapos ng pag-eehersisyo. Ang sakit ay titindi isa hanggang tatlong araw pagkatapos ng iyong pag-eehersisyo, at pagkatapos ay mawawala rin pagkatapos nito

Kabilang sa mga simtomas ay ang paglambot ng kalamnan, pamamaga, panandaliang pagkawala ng lakas ng kalamnan, at hirap sa paggalaw. Bagaman bahagi ng proseso na makakatulong upang maitaguyod ang mga pagbabago sa iyong katawan, tulad ng lakas ng kalamnan, paglaki at pagkondisyon, ang DOMS ay maaaring makagambala nang malala sa iyong iskedyul ng pagsasanay at maaaring ipatigil ka kung ang mga pansamantalang sakit na ito ay lumala pa. Kung gayon, ano ang mga opsyon na magagawa upang hindi mahuli sa pagsasanay?

mga dekorasyon

ALTERNATIBO SA NSAID 

Ang mga non-steroidal anti-inflammatory drugs ay ang pinaka-karaniwang paraan ng mga tao para sa sakit, mapababa ang temperatura, at matugunan ang pamamaga sa loob ng katawan. Kabilang dito ang pag-alis ng mga sintomas ng mga pinsala na nauugnay sa paggalaw kabilang ang mga sprain, strain at pangkalahatang sakit. Gumagana ang mga NSAID sa pamamagitan ng pagharang sa enzyme na cyclooxygenase, na gumagawa ng mga prostaglandin, isang sangkap na tila isang hormone na nagdudulot ng pamamaga.

Bagaman ito ay isang kilalang paraan upang labanan ang DOM at iba pang sakit na nauugnay sa paggalaw, ang mga NSAID tulad ng aspirin at ibuprofen ay may naitala na maraming mga negatibong epekto, kabilang ang pagkahilo, heartburn, iritasyon sa sikmura, at epekto na hypersensitive. Dahil ditto ang mga over-the-counter na gamot ay hindi pinakamainam na paraan para sa pangmatagalang paggamit, lalo na para sa mga indibidwal na nais na manatiling malusog at fit.

Kung ganoon, ano ang mainam na alternatibo? Maraming mga herbal dietary supplement, tulad ng devil’s claw at balat ng puno ng willow ay sinasabing may mga katangian na sumusuporta sa natural na tugon sa pamamaga ng katawan, ngunit kakaunti lamang ang ebidensya ng mga ito mula sa siyensiya. Gayunpaman, ang curcumin, ang compound ng kemikal na matatagpuan sa pampalasa na luyang dilaw o turmeric, ay naglalaman ng mga bioactive compound na may mga kapaki-pakinabang na benepisyo sa kalusugan. Ang mga compound na ito ay tinatawag na curcuminoids, at makakatulong na suportahan ang natural na tugon sa pamamaga ng iyong katawan pati na rin ang pagbawas sa oxidative stress.6 Alamin ang higit pa tungkol sa kung paano makuha ang benepisyo ng curcumin dito.

PAMAMAHALA SA PAMAMAGA GAMIT ANG CBD

Ang isa pang nakikitaan ng pag-asa na solusyon para sa DOM at sa pagbawas ng tiyansa ng pinsala na dulot ng pag-eehersisyo ay ang mga cannabidiol (CBD). Ang CBD ay isang hindi psychoactive na katas ng halaman ng cannabis, isa sa higit sa 100 mga likas na sangkap mula sa halamang ito, na naproseso upang maibigay ang mga pang-araw-araw na benepisyo sa kalusugan nang walang anumang side effect. Nakikipag-ugnayan ang mga cannabinoid na ito sa napakalakas at panloob na endocannabinoid system ng iyong katawan. Gumagana ang sistemang ito upang makontrol ang ilang ng mga mahahalagang sikolohikal at pisyolohikal na gawain sa loob ng iyong katawan, kabilang na ang pagtulog, damdamin, at maging ang pamamahala ng stress.

Bagaman maraming mga cannabinoid receptor, ang dalawang nakilala bilang pangunahing receptor ay CB1 at CB2. Ang mga receptor ng CB2 ay matatagpuan sa loob at paligid ng utak, ngunit natatagpuan din ang marami sa ating mga immune tissue. Ang mga cannabinoids ay dumidikit sa mga receptor ng CB2 ay may epekto sa natural na tugon sa pamamaga ng iyong katawan sa pamamagitan ng pagbawas sa produksyon ng cytokine na nabanggit kanina.7 Sa kabila ng kinakailangan ang pamamaga upang mapabuti ang kondisyon at pagtataguyod ng mga pangunahing pagsasaayos sa loob ng iyong katawan, ang sobrang lala o maraming pamamaga ay maaaring magpabagal at maging mapahinto sa iyong pag-unlad. Dito makakatulong ang CBD sa pagsuporta ang iyong regimen sa pagpapagaling, ito ay isang pagtutuon sa DOMS sa mas natural na paraan. Ito ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na magpatuloy habang tumutulong upang mabawasan ang mga pagkakataong masaktan o maging hindi komportable.

Nais mo bang malaman ang mga impormasyon sa natural at pangunahing proseso na ito? Tuklasin ang malawak na mga pakinabang ng CBD at ang endocannabinoid system dito.

Stretching

PANATILIHIN ANG ISANG MALUSOG NA BALANSE

Pagdating sa usapin sa pakikinabang nang higit sa iyong iskedyul ng pagsasanay, alam namin na ang pagpapanatili ng balanse ng wastong pagtulog, malusog na diyeta, at sapat na oras ng paggaling ay lubos na makakatulong upang mapanatili ang iyong katawan sa mahusay na kondisyon at walang pinsala. Gayunpaman, dumarami na ang solusyon para rito, kasama na ang tanyag na CBD na matatagpuan sa mga de-kalidad na langis at madaling inumin na mga kapsula, maaari ka na ngayong magkaron ng isang ligtas, natural at mabisang lapit upang mabawasan ang pamamaga at manatiling aktibo sa anumang paraan upang maging malusog at fit.

Sanggunian:

1) https://www.webmd.com/arthritis/about-inflammation#1

2) https://www.livescience.com/52344-inflammation.html

3) https://www.healthline.com/health/doms

4) https://www.acsm.org/docs/default-source/files-for-resource-library/delayed-onset-muscle-soreness-(doms).pdf

5) https://www.medicinenet.com/nonsteroidal_antiinflammatory_drugs/article.htm

6) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/17569207

7) Nagarkatti, Prakash, et al. “Cannabinoids as Novel Anti-Inflammatory Drugs.” Future Medicinal Chemistry, vol. 1, no. 7, 2009, pp. 1333–1349

8) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279298/