LIGTAS BA ANG CBD PARA SA IYONG MGA ALAGANG HAYOP?

Sa buong US, UK, at karamihan ng Europa, ang CBD ay nakikita bilang isang natural, ligtas, at mabisang paraan bilang tugon sa maraming mga karamdaman. Ngayon ay may isang tanong, maaari ba ang milagrosong katas na ito na makakatulong sa ating mabubuting kaibigan?

Habang patuloy na nagkakaroon ang pananaliksik, pinnaniniwalaan na ang CBD ay maaaring gumana sa mga alagang hayop sa parehong paraan ng paggana nito sa atin. Ang lahat ng mga mammal ay may isang endocannabinoid system na patuloy na gumagana sa loob ng katawan upang mapanatili ang isang likas na balanse, at sa gayon ay matiyak na ang mga mahahalagang sikolohikal at pisyolohikal na gawain ay gumagana nang epektibo. Maaari itong makaapekto sa damdamin, pagtulog, gana sa pagkain at maging sa pagkontrol sa sakit. At nangangahulugan ito na ang biyolohikal na CBD ay pareho ang epekto sa mga hayop tulad ng ginagawa nito sa atin. Alamin ang higit pa tungkol sa endocannabinoid system dito.

Pagharap sa mga isyu sa hayop 

Katulad din sa mga tao, ang mga hayop ay apektado ng ilang mga kondisyon sa kalusugan, tulad ng arthritis, na nagdudulot ng regular na nakakapanghina na sakit. Ang mga alagang hayop, lalo na ang mga aso, ay nagdurusa rin mula sa mga isyung sikolohikal tulad ng takot at pagkabalisa kapag iniwan nang nag-iisa o kapag sa mga tukoy na sitwasyon tulad ng malakas na paputok kapag Bonfire Night o Bisperas ng Bagong Taon. Ang paghahanap ng paraan upang maibsan ang stress na ito ay nasa ibabaw ng listahan ng priyoridad ng maraming mga may-ari, at kahit na sumisikat na ito ngayon, mayroon bang isang katibayan upang suportahan ang paggamit ng CBD sa mga pagkakataong ito?

Pagdating sa pag-apruba mula sa mga dalubhasa, si Mark Vedino, Chief of Veterinary Staff sa North Shore Animal League sa Amerika,ang paggamot ng mga hayop gamit ang CBD ay pangkaraniwan na sa loob ng maraming taon, sinabi niya na ang mga hayop ay "tila hindi gaanong reaktibo sa mga mababang antas ng stimuli ng sakit, halimbawa ng arthritis at mga bagay na tulad nito, kapag nakauha nila ang produkto ”. Ibinahagi din ng doktor na gumagamit siya ng CBD para sa kanyang sariling tumatandang aso, na nabanggit niya na madali itong matakot o magulat sa ingay sa gabi, at tila pinapaginhawa ito. Sinabi niya: "Sa oras ng gabi kapag ang mga ilaw ay patay na, hindi ito makikita sa madilim, kaya medyo nakatatakot ito. At kapag binigyan ko siya ng CBD, natutulog lang siya. "

Ang bukas na pahayag ay sinasabi rin ng mga dalubhasa, kasama ang opisyal na pagsasaliksik na isinagawa, mula noong 2018 1 na partikular na hinahanap upang masuri ang kaligtasan, mga katangian kontra sa pamamaga at pananakit ng langis ng CBD sa mga aso na may osteoarthritis. Ang mga mananaliksik ay nagbigay sa mga aso ng mga dosis ng 2 o 8 milligrams (mg) bawat kilo (kg) ng bigat ng katawan. Ang 80% ng mga aso ay nagpakita ng pagbuti sa kanilang sakit at pagkilos, ayon sa naging sukat ng dalawang sangguniang beterinaryo - ang canine brief pain inventory at Hudson activity scale.

May isang maliit na pag-aaral na inilathala noong 20192, at natagpuan na ang mga epileptic na aso na binigyan ng CBD bilang karagdagang gamot sa pangingiisay ay may mas kaunting kaso ng pangingisay kaysa sa mga tumanggap ng gamot sa pangingisay at isang placebo. Ang pagsasaliksik tungkol sa CBD at kaugnayan nito mga alagang hayop tulad ng mga pusa at aso ay nasa maagang yugto nito, ang mga datos na nakolekta ay nagpapakita ng isang positibong benepisyo ng paggamit ng CBD.

decorations

ANONG PRODUKTO ANG DAPAT PILIIN MO? 

Mayroon nang mga produktong partikular na ginawa para sa mga aso, pusa at iba pang mga alagang hayop, ngunit talagang walang pagkakaiba sa mga tuntunin ng CBD sa mismong produkto ito. Nagkakaib na lamang ito sa packaging at marketing, kaya tiyaking hindi ka magbabayad ng mahal sa mga tila natatangi o ispesyal na mga produkto. Ang dapat na pokus ay, tulad ng sa aming sariling paggamit ng CBD, ay dapat pumili ng isang de-kalidad na produkto. Kasama rito ang palaging pag-double check sa listahan ng mga sangkap na kasama, tulad ng pangpatamis na Xylitol (na matatagpuan sa isang mga mas mababang kalidad na mga gummy na may CBD), na maaaring potensyal na makalason sa iyong mga alagang hayop.

Sa karamihan ng mga kaso, ang mga langis ay ang pinakamahusay na paraan upang maibigay ang CBD sa iyong mga alaga. Hindi kailangang subukan na pakaiinin o palunukin sila ng anumang kakaiba, o paupuin sila habang nagpapahid ka ng krema o mga gel. Sa langis, idaragdag mo lang ang ilang patak na gusto mo diretso sa kanilang mga bibig, at gagana na ang CBD. Mas simple din ito upang maitaguyod at pamahalaan ang isang dosis na napag-usapan, lalo na kapag nagsisimula pa lamang at hindi sigurado kung ano ang mga magiging epekto nito.

decorations

PAGKUHA NG TAMANG DOSIS 

Ito ang pinakamahalagang bagay tungkol sa iyong alaga at CBD. Sa paggamit man ng langis o pumili ka ng ibang produkto, tiyaking na pansining maigi ang dosis. Ang oras na malalaman mo ang anumang negatibong epekto ay kapag sobra ang iyong naibigay. Ngunit huwag mag-alala, ang CBD ay natural at hindi nakakalason kaya't hindi masasaktan ang iyong hayop, sa halip ay magdudulot lamang ng mga hindi magandang epekto tulad ng pagdudumi o pagkahilo. Ang magandang balita ay kung mangyari man ito, ang mga epekto ay pansamantala lamang.

Upang makatulong na maiwasan ang anumang mga isyu, narito ang ilang pangunahing gabay sa dosis upang makapagsimula ka:

MABABANG ANTAS = 0.05mg CBD x 0.5kg ng bigat ng katawan 

KATAMTAMANG = 0.125mg CBD x 0.5kg ng bigat ng katawan 

MALAKAS NA ANTAS = 0.25mg CBD x 0.5kg ng bigat ng katawan

decorations

Upang maihatid ang regular na paggamot, ang dosis ay dapat ibigay dalawang beses sa isang araw. Gayunpaman, ang ilang mga alagang hayop ay maaaring tumugon nang mas mahusay sa isang solong dosis, kaya't bantayang maigi ang pagbibigay ng CBD at subaybayan ang kanilang reaksyon. Inirerekomenda namin, kung maaari, na panatilihin mong regular ang dosis at sa umaga at gabi. At kung hindi ka pa rin sigurado tungkol sa pagbibigay nito sa iyong hayop, pinakamahusay na makipag-usap sa iyong beterinaryo tungkol sa mga tukoy na isyu ng alaga upang matalakay ang mga potensyal na solusyon, kasama na ang mga sadyang dosis ng CBD at iba pang mga rekomendasyon.

PUMILI NANG MATALINO

Kahit na ang mga produkto ng CBD ay hindi nakasaad para sa mga alagang hayop, sa karamihan ng mga kaso, ang mga ito ay ganap na ligtas na magamit ng iyong paboritong kaibigan. Maaari rin itong magdala ng parehong saklaw ng mga positibong benepisyo sa kalusugan na nasisiyahan din tayo araw-araw. Maaari itong madagdagan ang kalidad ng buhay para sa iyong mga hayop sa bahay, kayadapat mo itong subukan sa mga maingat na dosis.

Tulad sa atin na mga tao, ang pagkontrol sa kalidad ay susi sa lahat. Sa merkado ng CBD na hindi pa rin regulado, ang isang malaking bilang ng mga produkto ng CBD ay maaaring maglaman ng mga sangkap at mga allergens na hindi nakalista sa kanilang mga label, pati na rin ang hindi magandang kalidad na CBD. Ang pinsala dito ay maaaring mula sa pag-aaksaya ng pera hanggang sa isang alaga na masama ang pakiramdam. Palaging pumili ng isang kagalang-galang na brand, at isang produkto na maaaring magagarantiyahan ang kalidad at mga sangkap sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga third-party.

Sanggunian:

1) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6065210/

2) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/31067185/

3) https://www.huffpost.com/entry/cbd-oil-dogs-pros-cons/

4) https://www.innovetpet.com/blogs/hemp/is-human-cbd-oil-safe-for-dogs/